Saturday, August 4, 2018

Ang wika ng pangangaliksik



       
Resulta ng larawan para sa buwan ng wika 2018
           Likas ng tao na magisip kung paano nangyayari ang mga nakikita sa mundong ito. Dahil dito marami tayong tanong  kagaya ng kung saan tayo nangaling, gaano kalaki ang mundo, saan nagaling ang mundo at marami pa. Upang matugunan ang ating  kuryusidad at makuha ang mga kasagutan tayo ay nag saliksik. Dahil sa ating pananliksik nakuha natin ang mga sagot para sa ating mga tanong at ginamit ang ating bagong kaalaman upang mapaganda ang ating buhay.

          Ang buwan ng wika ay isang celebrasyon kung saan ipinagugunita ng ating wika. Sa pamamgitan ng celebrsayon na ito tayo ay ipinapaalala kung gaano ka importante ang ating wika para sa pagunlad ng ating bayan. Kaya ngayong buwan ng wika ang ating tema ngayon ay "Filipino: Wika ng Pananaliksik". Ang layunin ngayon ng buwan ng wika ay palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Ang tema na ito ay hinihikayat tayo na gamitin ang filipino para sa pagturo ng mga larangan ng karunungan, sa paggawa ng mga papel ng manliksik, sa mga thesis at maramin pang iba upang ipakita na ang ating wika ay pwedeng gamitin para sa  paghanap ng sagot sa ating kuryusidad.

          Ang wikang Filipino ay dapat na respetuhin at mahalin dahil ito ay nakapagunlad sa ating Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong sa atin sa pagkamit ng pagkakaisa sa Pilipinas. Maipapakita natin ang ating pagmamahal sa wikang ito sa pamamagitan ng pag gamit at pag-aaral nito. Kung ginamit natin ang wikang Filipino para sa pagsasaliksik mas magiging mayaman ang ating kultural na pagkakakilanlan. 

References:
http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2018-filipino-ang-wika-ng-saliksik/
https://www.tagaloglang.com/buwan-ng-wika-2018/
       

1 comment:

some art stuff

So today I'm bored again so I might as well post some stuff you know? Well this is actually a backup just in case I lose my sd card or s...